😇 𝗣𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗯𝗮𝘆 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗹𝗮𝘆 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝘀𝗶 𝗦𝗮𝗻 𝗝𝗼𝘀𝗲: 𝗔 𝟯𝟯-𝗗𝗮𝘆 𝗥𝗲𝗳𝗹𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 😇
Magandang araw mga ka-Almusalita!
Ngayong taon ay ipinagdiriwang natin ang Year of St. Joseph the worker. 🔨
Noong December 2020 ay idineklara ni Pope Francis ang 2021 bilang taon ni San Jose bilang pag-aalala sa ika-150 na anibersaryo ng kaniyang proklamasiyon bilang "Patron of the Universal Church."
Narito si Father Luciano Felloni para i-announce ang 33 Araw ng Paglalakbay at Pag-aalay kasama si San Jose - a series of daily reflection na matutunghayan natin mula March 29 hanggang May 1 sa AlmuSalita social media accounts.
Sama-sama tayong maglakbay at mag-alay kasama si San Jose. God bless! 😇