Daily Devotion Day 26: Dumarating sa punto ng buhay natin na pati si God ay kinukuwestiyon natin. Ngunit, wala tayong dapat ikabahala o ikatakot. Malaki ang kanyang pagtitiwala sa atin. Sa katunayan, tayo ay kanyang binibigyan ng misyon. At sa misyong ito, takot man tayo, ang kanyang grasya at pagpapala ay nakaantabay.