Taong 2017, nagsimula ang konstruksyon ng Unified Grand Central Station o tinatawag na common station. Pagkatapos ng ilang debate kung saan ito dapat itayo, ito ay itinatayo ngayon sa pagitan ng SM North Edsa at Trinoma kung saan magtatagpo-tagpo ang LRT-1, MRT-3 at MRT-7.
Matagal na sanang tapos ito at napapakinabangan ng mga mananakay ng MRT-3 at LRT-1, subalit sa pag-upo ng bagong Transportation Secretary na si Vince Dizon, nalantad ang katotohanan na wala pang katiyakan kung kailan talaga ito matatapos dahil inabandona na raw ng kanilang kontratista ang proyektong Unified Grand Central Station.
Lalo pang maaantala ang konstruksyon ng common station dahil sa naisiwalat na problema sa disenyo–problemang dulot ng kapabayaan at kapalpakan ng mga taong gobyerno na unang nangasiwa ng proyekto, kaya ngayon ang taong bayan na naman ang kailangang magsakripisyo. Lagi na lang bang taong bayan ang abonado? Think about it.
#ThinkAboutIt #TedFailonandDJChacha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM #TrueTV