Listen

Description

Napakabigat ng problemang pang-ekonomiya na kailangang harapin ng susunod na pangulo at pangalawang pangulo ng Pilipinas. Ayon sa chief economist ng DOF, kakailanganin ng apatnapung taon upang mabayaran ang inutang ng kasalukuyang administrasyon na nagkakahalaga ng 1.31 trillion pesos, para sa COVID-19 response. Apat na dekada o dalawang henerasyon para sa 1.31 trillion pesos... paano pa kaya ang kabuuang utang ng Pilipinas na aabot sa 13.42 trillion na kailangang pag-ambagan ng bawat Pilipino. Labing-walong araw bago maghalalan, nakapili ka na ba ng iboboto mong pangulo at pangalawang pangulo na may malinaw na platapormang pang-ekonomiya? O aasa na lang sa mga naririnig mong pangako at bahala na kung ano ang kinabukasang naghihintay sa iyo at sa bayan mo?

Think about it...