Sinasabi ng DBM na napakasinsin ng paghahanda at pagbuo ng mga panukalang pambansang budget. Subalit bakit nakalusot at patuloy na nakalulusot sa pambansang budget ang mga doble, triple, at maging apat at limang beses na alokasyon para sa iisang proyekto sa ilalim ng DPWH?
May iba't-ibang halaga ng alokasyon sa iisang proyekto ng DPWH, habang ang pondong para sana sa kalusugan at edukasyon ng mga Pilipino ay lubos na tinatapyasan. Bakit nga ba ito nangyayari sa atin? Think about it.