Listen

Description

#TedFailonandDJChaCha | Kahit sino siguro ang tanungin ngayon ay alam ang kahulugan ng salitang inflation, dahil ramdam ng lahat ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo. At nakakadismayang  malaman na napakalaki ng diperensya sa presyo ng mga gulay sa bagsakan nito sa Benguet, kumpara sa listahan ng Bantay Presyo ng Department of Agriculture sa mga pamilihang bayan sa Metro Manila. Maganda ang pangarap ng Pangulo na gawing sentro ng agrikultura sa buong daigdig ang Pilipinas. Pero ang katuparan ng pangarap na ito ay malayo kung hindi magsisimula ang maayos at mabilis na pagkilos ng mga tauhan ng Kagawaran ng Agrikultura na pinamumunuan mismo ng Pangulo. Think about it...