Listen

Description

Sa Nationwide Survey ng Pulse Asia noong Enero 2022, lumalabas na  62% lamang ng mga rehistradong botante sa buong Pilipinas ang nakakaalam ng ibig sabihin ng Party-list System. Kamakailan, naglabas ng pag-aaral ang grupong Kontra Daya kung saan, sa 177 na tumatakbong Party-list groups, 120 ang kwestyunable. Ang Party-list ay dapat kumakatawan sa marginalized at underrepresented sectors, subalit marami ang nananamantala sa kamangmangan ng mga botante at ginagamit ito sa kanilang pansariling interes. Napapanahon na ba na amyendahan ang Party-list System Act, at maaasahan naman kaya natin ang kongreso na itama ang mali sa sistemang ito? Think about it...