Listen

Description

Pumasa na sa third and final reading sa kongreso ang House Bill 6608 o Maharlika Investment Fund Act matapos bumoto ang 279 na kongresista na pabor sa panukalang batas na certified urgent ng Presidente. Subalit pinalitan man ito ng titulo at inalis man ang SSS at GSIS na isa sa mga pagmumulan ng paunang kapital, isang siyentista at ekonomista na ang nagsasabing ang Maharlika Investment Fund ay "beyond repair".  Gayunpaman, minadali ng kongreso ang pagpapasa ng panukalang batas at napagdesisyunan na ang pagkukunan ng paunang kapital ay sa Bangko Sentral ng Pilipinas, kasama ng Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines. Pinag-aralan bang mabuti ng mga kongresistang nag-apruba ng Maharlika Investment Fund ang implikasyon sa banking system ng Pilipinas sa gagawing panghihimasok sa perang iniingatan ng BSP, LBP at DBP? Paano kung malugi ang Maharlika Investment Fund? Think about it.

For more latest stories, visit us at www.news5.com.ph