Listen

Description

Daan-daang milyong pisong halaga ng pera ng bayan na ang ginastos para sa paglalagay ng artipisyal na buhangin na ngayon ay tinaguriang Manila Baywalk dolomite beach. 389 million pesos na pera ng bayan ang inilaan na dito at may kasunod pa umanong 269 million pesos. Sa tuwing bumabagyo bumabalik ang itim na buhangin sa dolomite beach, paano na kung ubos na ang pondo para sa pagtatambak ng artipisyal na puting buhangin? Sulit ba ang perang ating pinaghirapan sa proyektong ito? Think about it.