Listen

Description

Sa 2021 Annual Audit Report ng Commission on Audit, lumalabas na ang DPWH ay may mababang utilization rate dahil sa higit 700 bilyong pisong pondo ng kagawaran, nasa 258.4 bilyong piso ang hindi nila nagasta hanggang katapusan ng 2021. Habang sa mga imprastraktura na pinaglaanan ng pera ng DPWH sa buong bansa, libo-libo ang mga proyektong nakita ng COA na hindi pa nasimulan o unimplemented, delayed, unfinished, suspended, terminated at substandard. Ang mga obserbasyong ito ng COA ay nakita na rin sa 2020 Audit Report ng DPWH, subalit sa kabila ng kapabayaan ng ahensya, bakit pa rin naglalaan ang pamahalaan ng pagkalaki-laking pondo sa isang departamento na hindi naman nagagasta nang tama ang perang ibinibigay sa kanila? Ngayong bago na ang administrasyon, may maganda kayang pagbabagong mangyari sa paboritong departamento? Magkano na naman kaya ang perang ilalaan sa kanila mula sa 2023 national budget?  Think about it.