Listen

Description

Kapuna-puna na sa mga press release ng gobyerno tungkol sa mga nasasamsam nilang smuggled agricultural products, wala ni minsan silang nabanggit na pangalan ng  smugglers. At sa lahat ng sinalakay nilang bodega na pinag-iimbakan umano ng mga produktong pang-agrikultura, kahit kailan ay hindi nila naibalita kung sino ang hoarder. Palaging ipinangangalandakan ng pamahalaan ang kanilang mga operasyon kaugnay ng smuggling at hoarding na sinasabing ang nasa likod pa nga raw ay mafia, pero bakit kahit kailan ay hindi nila pinangalanan ang mga mafia na ito at tusong negosyante na malinaw na lumalabag sa batas ng Anti-Agriculutural Smuggling Act? Think about it.