Tatlumpu't isa na ang bilang ng mga taong nawawala na may kaugnayan umano sa operasyon ng e-sabong. Ito ay mula Abril 2021 hanggang Enero ngayong taon. Iisa umano ang operator ng mga sabungan na kanilang pinuntahan. At patuloy na dumarami ang mga ulat ng mga taong nalululong sa e-sabong, kasama na riyan ang mga menor de edad at mga alagad ng batas. Sa gitna ng mga pangyayaring ito, bakit tahimik ang PAGCOR? Ang PAGCOR na siyang regulator ng e-sabong. Bakit wala silang ginawang aksyon...at kailangan pa ng imbestigasyon ng Senado...
Think about it...