Listen

Description

Nais ng mga senador na pansamantalang suspendihin ang operasyon ng e-sabong habang iniimbestigahan ang pagkawala ng tatlumpu't apat na mga sabungero at indibidwal. Subalit ayaw pumayag ng PAGCOR dahil nanghihinayang sila sa 7.6 bilyong piso na isang taong kita ng gobyerno mula sa e-sabong, gayong lumalabas na ang kabuuang taya na nakokolekta ng e-sabong operators sa loob lamang ng sampung buwan ay halos 800 bilyong piso na. Sulit ba talaga ang kita ng pamahalaan sa e-sabong sa gitna ng idinudulot nitong sakit sa ating lipunan?

Think about it...