Ang kontrobersyal na PS-DBM Pharmally Deal at ang DepEd outdated and overpriced laptop procurement, ay ang dalawang bagong kontrobersyal na kaso na iniimbestigahan ngayon ng Ombudsman. Pero sa ating pananaliksik, maraming kaso ng katiwalian sa gobyerno ang inaabot ng napakaraming taon bago mailabas ang desisyon. May ibang kaso pa nga na nadidismiss sa Sandiganbayan dahil sa sinasabing inordinate delay. Paano matatapos ang korapsyon sa ating bayan kung sukdulan nang bagal ng takbo ng hustisya sa mga kaso ng katiwalian na kinasasangkutan ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan? Kailan naman kaya matatapos ang kaso ng PS-DBM Pharmally deal at kaso ng outdated at overpriced na laptops ng Deped? Panibagong kaso ba ito ng inordinate delay? Think about it.
For more latest stories, visit us at www.news5.com.ph