Listen

Description


Hindi matatapos ang sigalot at tensyon sa West Philippine Sea at South China Sea hanggat hindi kinikilala ng China ang ating panalo sa Arbitral Tribunal noong 2016. Patuloy na inaangkin ng China ang mga isla at karagatan sa West Philippine Sea na malinaw na nasa atin ang sovereign rights.  Malaki ang interes ng China sa mga isla at karagatan dito dahil sa usaping pang-ekonomiya, militar at depensa, langis at natural gas, at pagkain. Kaya  kahit ilan daan pang diplomatic protests ang gawin ng Pilipinas sa kanilang mga ilegal na aktibidad sa West Philippine Sea, at pagprotesta laban sa panghaharass nila sa ating mga mangingisda at Philippine Coast Guard, tingin niyo ba ay bibitiw ang China sa kanilang interes sa ating mga karagatan? Think about it.