Taun-taon nasa dalawampung bagyo ang humahagupit sa Pilipinas na nag-iiwan ng bilyong pisong halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura. May programang pabahay naman ang gobyerno sa mga matinding sinalanta pero ang target beneficiaries pabalik-balik pa rin sa dating tirahan na deklaradong danger zone. Sa dinami-dami ng ating pinagdaanang kalamidad, masasabi bang natuto na tayo mula sa ating mga karanasan? O hindi pa rin organisado ang aksyon ng pamahalaan? Think about it...