Listen

Description

Sa pagtama ng pinakahuling mapanalantang bagyo na Odette sa bansa, naobserbahan nanaman ang kabagalan at pagkukulang ng pamahalaan pagdating sa disaster response. Lumulutang muli ang panukala na magtatag ng Department of Disaster Resilience. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon na ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act kung saan nakasaad ang institutional na tugon ng gobyerno tuwing may kalamidad. Nariyan din ang NDRRMC at Office of Civil Defense para tiyakin na nasusunod ang mandato sa bawat lokal na pamahalaan at kung nagagamit ba sa tamang paraan ang pondo mula sa natatanggap nilang Local Disaster Risk Reduction and Management Fund. Kailangan pa ba talagang magtatag ng bagong departamento o kailangan lamang gawin ng mga lokal na opisyal, NDRRMC at OCD ang kanilang trabaho upang magkaroon ng totohanang post disaster assessment? Think about it.