Listen

Description

Bilang tugon sa climate change, balak ng pamahalaan na patawan ng buwis ang single-use plastics, kaya sangkaterbang panukala na naman ang nakaabang na ihahain sa papasok na kongreso. Pero alam niyo ba na dalawampu't dalawang taon na ang nakakaraan nang maipasa ang batas kontra single-use plastic na RA 9003 o ang Ecological  Solid Waste Management Act of 2000 na inoobliga ang National Solid Waste Management Commission na pinapangunahan ng kalihim ng DENR, na maglabas ng listahan ng Environmentally Acceptable Products, subalit inabot na ng dalawang dekada ay wala pa rin. Lumabas sa isang pag-aaral na malaking porsyento ng plastic residuals ay mga branded na produkto mula sa malalaking korporasyon. Ito kaya ang nakakaimpluwensiya sa desisyon ng sinumang umuupong opisyal ng DENR kaya hanggang ngayon ay walang listahan ng mga produktong hindi katanggap-tanggap sa kapaligiran? Ang bagong itatalagang kalihim ng DENR na kaya ang maglabas ng listahan? Think about it...