Listen

Description

Kinukwestyon sa Senado ang pagpasa sa Maharlika Investment Fund kahit wala itong test of economic viability na nasasaad sa ating Saligang Batas. Kailangan ito upang maiwasan na mabangkarote ang itinatatag na mga korporasyon na pag-aari ng gobyerno. Hindi naging malinaw sa panukala kung paano babawiin ng Maharlika Investment Fund ang ilalaan nitong puhunan umano sa pagtatayo ng mga kalsada at mga imprastaktura. Paano ba maiintindihan ng pangkaraniwang mamamayan  kung saang paraan gaganansya ang Maharlika Investment Fund kung mismong mga Senador ay hindi maipaliwanag kung paano ito kikita? Sigaw tuloy ng maraming Pilipino matapos itong makalusot sa Kongreso at Senado... MIF: Paki-explain please!
Think about it.