Listen

Description

Nagbaba ng polisiya ang pamahalaan na papayagan lamang mag-operate ang provincial bus companies kung gagamitin nila ang integrated terminal exchange kagaya ng nasa Sta. Rosa Laguna, PITX sa Paranaque at North Luzon Exchange Terminal o NLET sa Bocaue, Bulacan. Kumpara sa PITX na may agad kang masasakyan mula bus, sa NLET ay tanging P2P buses ang magagamit na transportasyon ng commuter papasok ng Maynila. Ipinipilit pa rin ng LTFRB at DOTr ang paggamit sa NLET sa kabila ng pagtutol ng grupo ng bus operators at mga mananakay. Ayon nga sa isang pag-aaral ng mga dalubhasa, magdudulot ito ng dagdag gastos sa pamasahe dahil sa putol-putol at mas mahabang oras ng byahe sa mga commuters. Benepisyo sa aspeto ng intermodality ba talaga ang idudulot ng NLET, o perwisyo sa pasahero? Think about it...