Listen

Description

Naglabas ng show cause order ang LTFRB laban sa mga kumpanya ng bus na hindi bumabyahe sa kanilang ruta dahil may window hours lamang na pinapayagan silang gamitin ang kanilang pribadong terminal na nasa loob ng Metro Manila. Ipinipilit pa rin kasi ng mga ahensya ng DOTr, LTFRB at MMDA na tangkilikin ng provincial bus operators at commuters ang itinalaga nilang Integrated Terminal Exchange, partikular na ang North Luzon Express Terminal o NLET, sa kabila ng mga perwisyong dulot nito na suportado ng pag-aaral ng mga eksperto. Dagdag pa rito ang katotohanan na hindi naman mga pampublikong transportasyon ang sanhi ng mabigat na trapiko sa Edsa dahil sa datos ng MMDA, ang mga bus ay maliit lamang na porsyento ng kabuuang bilang ng mga sasakyang bumabagtas sa Edsa. Sa dami ng tumututol sa NLET, ano ba ang tunay na dahilan kung bakit nasisikmura ng DOTr at LTFRB na pahirapan ang pangkaraniwang mamamayan para matuloy lamang ang operasyon ng NLET? Think about it...