Listen

Description

Nakaramdam ng pag-asa ang mga magbubukid na malutas ang agricultural smuggling nang magkaroon ng pagdinig kaugnay dito ang Senado. Subalit sa ikatlong pagdinig, ang pag-asa ay nauwi sa pagkadismaya. Ang opisyal kasi ng Department of Agriculture ay bumawi sa nauna nyang sinabi na sangkot ang matataas na tao sa smuggling ng gulay. Pati ang National Intelligence Coordinating Agency na matagal nang nag-iimbestiga sa kaso, wala pa ring validated list ng smugglers. Dagdag pa ang Bureau of Customs na ipinagyayabang ang kanilang mga nasabat na smuggled na gulay, at pagsasampa ng daan-daang kaso sa Department of Justice, pero wala kahit isang nakakulong. Masasawata pa kaya ang agricultural smuggling kung ang sindikato at protektor nito ay nasa gobyerno umano? Think about it...