Listen

Description

Isa sa mga ipinangako noong panahon ng kampanya ni presumptive  President Bongbong Marcos Jr. ay ang pagbaba ng presyo ng bigas sa dalawampung piso kada kilo. At para mangyari ito sa kanyang administrasyon, kailangang mag-ambagan ng mga Pilipino upang makalikom ng bilyong pisong pondo na subsidiya ng gobyerno sa bawat kilo ng bigas. Panibagong pondo ang kakailanganin para rito gayong sa kasalukuyan, ang utang at gastusin ng Pilipinas ay malaki na kaysa sa kayang kitain ng pamahalaan. Maisakatuparan kaya ang pangakong pagmura ng presyo ng bigas sa kabila ng napakalaking problemang pangpinansyal na kinakaharap ng gobyerno, o ang pangako ay pangako na lamang? Think about it...