Umaaray na ang mga pobreng magsasaka sa talamak na pagpupuslit ng mga gulay sa bansa na nagkalat at ibinebenta sa mga palengke. Matunton kaya ng Department of Agriculture, Bureau of Customs, at Department of Trade and Industry ang mga nasa likod ng smuggling na ito o patuloy na lang na magmamaang-maangan? Kailangan pa bang humantong sa isa na namang imbestigasyon sa Senado para magkaalaman kung sino-sino ang nasa likod nito? Think about it.