Listen

Description

Pagkatapos ng kontrobersyal na Sugar Oder No. 4 na inilabas ng SRA noong Agosto ng nakaraang taon, mayroon na naman ngayong Sugar Oder No. 6 na nais paimbestigahan sa Senado at Kongreso. Bago pa man kasi dumaan sa legal na proseso ang Sugar Order No. 6, may dumating nang imported na asukal sa pantalan at tanging Undersecretary ng DA ang nagpasya kung sinong importers ang  mabibigyan ng alokasyon  sa pag-aangkat ng asukal.

Pero katulad ng Sugar Order No. 4, hahayaan lang kaya nilang umusad ang imbestigasyon, at sa bandang huli ay iabswelto muli ng tanggapan ng Pangulo ang opisyal na umano'y lumabag sa proseso at tawagin muli ang pangyayari bilang "miscommunication"? Think about it.