Listen

Description

Umabot na sa 13.7 trilyong piso ang pambansang utang ng Pilipinas. Sa kabila ng laki ng ating utang, binabalak ng Kamara de Representante na gumasta ng siyam na bilyong piso para sa pag-aamyenda ng ating saligang batas sa pamamagitan ng Constitutional Convention o Con-Con. Sulit naman daw ang gagastusin ng taong bayan para rito dahil ang Con-Con ang susi sa mas maunlad na ekonomiya ng bansa. Pero saan naman natin kukunin ang siyam na bilyong piso kung ang ating gobyerno ay naghahagilap pa ngayon ng  pagkukunan ng pera para sa isang libong pisong ayuda na ibibigay sa siyam na milyong mahihirap na pamilyang Pilipino? Think about it.