Sa naging hearing ng senado noong March 28 kaugnay ng hindi masawatang agricultural smuggling sa Pilipinas, kinumpirma ng opisyal ng Department of Agriculture na hindi ito matigil-tigil dahil sa pakikialam ng "matataas na tao." Pero hindi niya inilantad ang pangalan ng "matataas na tao" na nasa likod ng smuggling at humiling pa ng executive session kung saan mga senador lamang ang makakaalam ng kanilang identity. Hindi na ito binusisi ng mga senador, kagaya ng di nila pag-usisa sa kinatawan ng DOJ na nagsabing may kasong nakasampa laban sa agricultural smuggling pero walang nakakulong at may nadismiss pa. Kailan pa kaya matatapos ang hinagpis ng ating mga magsasaka kung ang mga sangkot sa smuggling ay mga untouchables?
Think about it...