Listen

Description

Mandatory vaccination para sa 4.2M household beneficiaries ng 4Ps, posible kaya kahit wala sa probisyon ng batas na sumasaklaw dito? Eh ang “no vaccine” preference policy kaya na nais ipatupad sa mga lokal na pamahalaan? Hindi paglalabas ng gobyerno ng impormasyon ukol sa 44.5M doses ng sinovac dahil umano sa sinasabing non-disclosure agreement, ilan na kaya ang naiturok at mga natitira pa? Paano kung umayaw ang maraming Pilipino sa bakuna na made in China. Maabot kaya ng Pilipinas ang target na 70% vaccination coverage? Think about it.