Listen

Description

Mula taong 2016 hanggang 2022, naghain ang Pilipinas ng 388 diplomatic protests laban sa China dahil sa dumaraming reports ng pamamayagpag ng Chinese Coast Guard at Chinese Militia vessels sa ating karagatan, at patuloy na pangha-harass ng mga ito sa mga mangingisdang Pilipino at maging sa Philippine Coast Guard. Ito ay sa kabila ng walong beses na pagkikita ng dating Pangulong Rodrigo Duterte at President Xi Jin Ping ng China, para pag-usapan ang tungkol sa West Philippine Sea. At sa pag-uwi ng bagong Pangulong Marcos Jr. mula sa kanyang kauna-unahang state visit sa China, kapansin-pansin na ang bahagi ng nilalaman ng lumabas na Joint Statement of the People’s Republic of China and the Republic of the Philippines tungkol sa South China Sea ay para bang "copy paste" lamang mula sa naging state visit ni dating Pangulong Duterte noong 2016. Ito ba ay palatandaan na naman na tayo  ay muling paiikutin ng China, at hindi pa rin sila mgpapaawat sa kanilang mga aktibidad sa West Philippine Sea na maliwanag na sakop ng ating Exclusive Economic Zone? Think about it.