Listen

Description


Sa kabiguan ng pamahalaan na mabigyan ng oportunidad ang mga manggagawang Pilipino na magtrabaho at kumita nang marangal sa sariling bayan, maraming Pilipino ang tinitiis malayo sa pamilya upang magtrabaho abroad. Kapalit ng maliit na halaga, may mga OFW na itinataya ang kanilang kaligtasan at nananatili sa mga bansang talamak ang pang-aabuso para kumita at makapagpadala sa pamilya. Sa gitna ng humahabang listahan ng OFWs na sinasawing-palad sa pagtatrabaho sa abroad, ipinagmamalaki pa ng gobyerno ang dagdag na bilang ng mga OFW na ipinapadala ng Pilipinas sa abroad, lalo na sa mga bansang may ipinatutupad na Kafala system.  Think about it.

For more latest stories, visit us at www.news5.com.ph