Listen

Description


Oktubre 2022, ibinida ng DILG at PNP ang tinaguriang pinakamalaking drug bust sa kasaysayan ng bansa kung saan nakasabat ang PNP ng halos isang toneladang shabu na aabot sa halagang 6.7 bilyong piso. Pero makalipas lamang ang anim na buwan, ang accomplishment ng gobyerno ay napalitan ng eskandalo matapos ibulgar ni DILG Secretary Benhur Abalos ang umano'y malawakang pagtatakip ng pambansang pulisya sa pagkakadawit ng isang pulis sa nasabat na ilegal na droga noong nakaraang taon. Sa pag-iimbestiga ng DILG,  lumalabas na ang salaysay ng PNP sa pag-aanunsyo ng pinakamalaking drug bust noong 2022 ay salungat sa mga pangyayari na kuha ng CCTV, na kinokontra naman ngayon ng mismong hepe ng PNP. Saan hahantong ang sinasabing "massive attempt to cover-up" sa tinaguriang pinakamalaking anti-drug operation sa kasaysayan ng Pilipinas?  Nasaan na nga pala, at ano na ang nangyari sa kaso ni Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr. na siyang pulis na sangkot sa P6.7billion drug bust na ito? Think about it.