Listen

Description

Nag-feeling Francis Kong at Chinkee Tan kami sa episode na ito. Panay kaperahan ang pinag-usapan namin, mula sa mga unang naging sahod namin, mga novena sessions sa harap ng ATM, hanggang sa mga mumunting kaligayahan ng pag-upsize ng drink sa value meal.  

Bakit nga ba kape ang iniinom ni Jerome nung bata siya? Anong hiwaga ang mayroon sa Chowking Lauriat na kinain ni Rian halos dalawang dekada na ang nakararaan? Ilan lang yan sa mga ibabahagi naming kuwento sa pagtatrabaho sa makulay na mundo ng media.