Dahil mainit na ang panahon, pinag-usapan namin ang ilang magaganda pero di masyadong napupuntahang summer pasyalan sa Pinas.
Alamin kung bakit dapat bisitahin ang Ifugao, Sagada, at Lily of the Valley Organic Farm sa La Trinidad, Benguet, at kung bakit sulit ang road trip papuntang sa Naga, Bicol, at Sorsogon....
Pinalipad din namin ang aming team sa Dumaguete dahil balita namin masarap mag-retire dun at masarap ang kuripot pizza.
Bonus usapan: Scott Burger, L.C. Big Mak, Red Horse for sharing, at paano napapatibay ng pagiging "chance passenger" sa Victory Liner ang inyong romantic relationship.
Follow us on Spotify or kung sa'n man kayo nakikinig ng inyong podcasts. Please don't forget to leave a rating!Kung gusto niyo ring makisali sa aming weekly kuwentuhan, hanapin lang ang @kolorumklasrum sa Facebook at Instagram or send us an email at kolorumklasrum@gmail.com. Salamat!