“Nagpalagay ako ng watawat may flag pole pa…”
Napagusapan namin sa episode na ito ang mga memories namin kapag Araw ng Kalayaan. Syempre pati mga usong celebrity hiwalayan ngayon.
Ano nga ba ang mga ibig sabihin ng nasa bandila ng Pilipinas? Ano ba ang kahulugan ng pagiging malaya? Makabansa ka ba kapag nagpatattoo ka ng bandila? At kung makabayan si Rizal bakit siya naka-amerikana noong binaril?
Ang kasagutan sa mga walang kwentang tanong na yan dito sa episode natin!
Tara! Tambay! Dito lang sa Kanto ng mga maraming iniisip pero walang ginagawa- Kanto Thoughts!
Disclaimer: Ang usapan na inyong mapapakinggan ay bunga ng malilikot na pagiisip ng mga host ng programa. Hindi intensyon ng mga host na makapanakit ng kahit sino mang tao, grupo, insekto, hayup, alien, imprastraktura, o institusyon dahil sa kanilang mga pinaguusapan pinaguusapan. Kung napikon ka pa rin, bahala ka na sa buhay mo. Wag ka sa Kanto Thoughts magamok. Labyu!