Huwag mawalan ng pag-asa sapagkat dadating din ang panahon na masosolusyonan ang problema. Huwag hayaang manitili ang takot sapagakat ito ang nagiging dahilan upang ikaw ay makaramdam di na malaya.
Gaya sa kwento, matutunan nating labanan ang problema sa papamagitan ng pag-iisip kung ano kahinaan ng kaaway. Pero huwag gamitin ang kahinaan nila para gawing dahas sa paglaban sa kanila. Ang mabuting gawin natin ay palakasin natin ang ating mga sarili, gamit ang taglay nilang kahinaan, upang huwag na tayo masupil ng mga problema o mga kalaban.