Nauso na nga ang New Year's Resolution taon-taon, magbago, magbago at magbago. Pero sa hindi mo namamalayan, hindi mo na kilala ang sarili mo.
Pero natanong mo na ba ang sarili mo? "Sino nga ba ako? Sino nga ba ang ginusto kong maging ako? At ano nga bang gusto ko?"
Gayunpaman, wag mong sisihin ang sarili mo kasi ano pa man ang nangyari, may natututuhan ka sa lahat ng pinagdaanan mo.
Sa pagpasok ng panibagong taon, halina't maki-chismis sa unang bahagi ng mga kwentong "To ourselves that never was" hatid ng naggagandahan at nagbabanguhan nating Hosts: Carteine, Carlos at Popol!
Ikaw, anong masasabi mo sa iyong self that never was?