Katulad ng lahat, lilipas rin ang mga araw na malungkot.
Mahahanap mo rin ang sarili sa dapat nitong paglagyan.
Matatapos ang pangungulit ng nakaraan, at mga panghihinayang.
Matatagpuan ang kaginhawaan sa pagitan ng pagsuko at paglaban.
At kapag nakadaupang palad mo ang sarili sa salamin, ano nga ba ang gusto mong sambitin?
Pakinggan ang ikalawang kabanata ng "To ourselves that never was"