Sa September 17, 2022 ay magaganap na ang Maguindanao Plebiscite!
Tungkol ba saan ang magaganap na plebiscite? Ano ang maaaring epekto ng resulta nito sa mga mamamayan ng Maguindanao? Para malaman ang mga ito, pati na rin ang proseso ng pagboto sa magaganap na Maguindanao Plebisicite ay makakasama rin natin sina Ms. Goldy Omelio, Coordinator ng IM4PEACE, Ms. Nezzar Fahima Unsi Ali, Chapter Head ng MSU Maguindanao LENTE Chapter, Dr. Arwin Serrano, Director for Voter Education ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), at Ms. Rayana Kikay, Member of Tayo Na! Collaboratory Maguindanao Chapter sa isa na namang episode ng Ang Show na Walang Title sa September 16, 2022, 7:00 - 8:00 pm!