Kumusta? Welcome sa aking space! Nakaraang linggo lang nang mag-isang taon ang kudeta sa Myanmar na humantong sa pagkakaaresto ng lider ng bansa na si Aung San Suu Kyi at pagpapabagsak sa sibilyan na gobyerno. Patuloy ang protesta ng mga Burmese sa militar na pamumuno at humantong na rin sa dahas. Hindi kinikilala ng United Nations at maraming bansa ang military regime o ang State Administration Council. Nasa gitna ng civil war ang Myanmar at wala pang nakikitang katapusan ang gulo. Ano ang hinaharap para sa bansang ilang beses nang nakasaksi ng kudeta? Matatapos pa ba to? Bakit napunta sa ganitong sitwasyon ang mga mamamayan ng Myanmar? At bakit dapat may pakialam tayo sa isyu na ito bilang mga Pilipino?
Ano Ngayon? Panukalang batas inihain para di maka-text mate si boss after work. Good news: nagsimula nang bumalik ang mga babaeng Afghan sa mga pamantasan. ISIS leader namatay na. Gaya ng marami, infected na rin ako ng All of Us Are Dead pero Probinsyano pa rin number one! Xi-Putin meeting at nanlalamig na Winter Olympics para sa China. Sa takot sa karayom, may dinidevelop nang nasal spray vaccine kontra COVID.
Sources and Readings:
https://www.voacambodia.com/a/cambodia-says-myanmar-junta-s-foreign-minister-not-invited-to-upcoming-asean-meeting/6423284.html
- Rebel groups in Eastern Myanmar: https://youtu.be/t-O7861ae9g
Myanmar spiraling into violence documentary: https://youtu.be/2Ihtb-FPNoQ