Kumusta? Welcome sa aking space. Umaga ng February 24 dito sa Pilipinas. Ito ang araw na tuluyang magpapabago ng nakagisnan na nating world order. Matapos mai-broadcast ang pre-recorded video message ni Russian President Vladimir Putin, narinig na sa maraming siyudad at iba pang lugar ang pagsabog mula sa mga Russian forces. Ilang sandali lang nang magsimula ang atake, daan-daan na ang nasawi at nagsimula nang lumisan ang iba at nagtatago naman ang iba para sa kanilang kaligtasan. Idineklara na ni Putin ang giyera at paglusob sa Ukraine – isang pangyayari na matagal nang inaasahang mangyari pero pinagdadasal nang marami na hindi magkatotoo. Pero ito na nga nangyayari na.
Unang beses sa ating space, may natanong tayo na eksperto sa international relations upang malaman ang maaaring implikasyon ng Ukraine crisis sa Pilipinas. Isang malaking pasasalamat kay Prof Henelito Sevilla, Jr siya po ang Dean ng UP Asian Studies sa pagsagot sa ating katanungan. Ano ang pwedeng mangyari sa mga susunod na araw? Ano ang maisasagot ng US at iba pang mga bansa sa aksyon ni Putin? May pakialam ba dapat tayo dito?
Sources and Readings:
https://www.project-syndicate.org/commentary/russia-lethal-national-identity-crisis-by-carl-bildt-2022-02
https://www.reuters.com/world/russia-vetoes-un-security-action-ukraine-china-abstains-2022-02-25/
https://www.npr.org/2022/02/25/1083252456/russia-vetoes-un-security-council-resolution-that-denounces-its-invasion-of-ukra
https://www.reuters.com/world/europe/ukrainian-border-mother-brings-strangers-children-safety-2022-02-26/
https://kyivindependent.com/national/sources-belarus-to-join-russias-war-on-ukraine-within-hours/
https://edition.cnn.com/videos/tv/2022/02/27/exp-gps-0227-kenyas-kimani-on-ukraine.cnn
https://www.crisisgroup.org/global/what-un-general-assembly-can-do-ukraine
Updated news on Ukraine crisis: https://www.reuters.com/places/ukraine
Kyiv Independent account link: https://twitter.com/KyivIndependent?t=YdXsta5G4-djcVBP4wZACw&s=09