Listen

Description

Ano ang kaya mong gawin alang-alang sa iyong mga minamahal? Kaya mo bang mag-sakripisyo kahit delikado?

Sa episode na ito, kilalanin natin si Ester.

Isang babaeng Hudyo na naging reyna ng Persia. Nang dahil sa pagmamahal sa kanyang lahi, ginawa niya ang delikadong pag-hiling sa hari na iligtas ang mga kasama laban sa interes ng opisyal na si Haman na patayin silang lahat.

Dahil sa katapangan at pagmamahal ng reyna, walang ni isang napaslang sa mga Hudyo.