Mayaman ang kultura at kasaysayan ng Pilipinas. Mahalagang malalim ang pagka-unawa at pagkatuto ng mga Pilipino rito, lalo na sa panahon ng disinformation at fake news.
Tunghayan sa episode na ito ang ating mga Ehemplo mula sa Aims Museo Maritimo. Layon ng grupo nila Arlene Paderanga at Daryl Abarca na ma-instill sa isipan ng mga Pinoy ang kagandahan ng history ng bansa, lalo na sa larangan ng maritime.