Ano ang gagawin mo kung magkaroon ka ng pisikal na limitasyon? Posible pa ba ang magpatuloy?
Tampok sa episode na ito ang buhay ni Eloisa Eleanor Aguinaldo, isang rheumatoid arthritis patient sa loob ng 30 taon at miyembro ng People Empowerment for Arthritis & Lupus (PEARL).
Pakinggan ang kanyang kuwentong puno ng pag-asa, pagpapatuloy, at pagbibigay inspirasyon. Mayroon pa ring kayang gawin sa kabila ng limitasyon!