Listen

Description

May lugar para sa iyo dito dahil kasama ka at tanggap ka. 'Yan ang pinaparamdam ng 'Kita Kita Philippines' sa mga young adults na neurodivergent o 'yung mga na-diagnose ng autism o attention-deficit/hyperactivity disorder (ADHD).

Layon ng non-government organization na iparamdam sa sektor na ito na sila ay mahalaga. Sa pamamagitan ng mga programa, aktibidad, at seminars, kinukuha nila ang interes ng mga neurodivergent tungo sa kanilang pangarap na maging safe space ito ng mga nasa spectrum.

Makinig sa kahanga-hangang gawa ng kanilang founder na si Eunice Jean Patron na minahal ang mga may sakit na ganito, dahil mismo sa kanyang naranasan sa kapamilya.