Karaniwang iniisip ng tao sa tuwing may diagnosis ng cancer ay death sentence na ito. Bukod kasi sa mahal ang gamutan, mahaba-haba pa ang proseso ng pagpapagaling.
Pero may isang organisasyong naglalayon na matulungan ang mga may cancer, partikular na sa mga bata. Pakinggan kung paano tinutupad ng Kythe Foundation, sa pamumuno ni Ms. Lourdes "Odette" Magno, ang kanilang mandato na suportahan ang mga young cancer patients.