May tamang pamamaalam ba sa ating mga mahal sa buhay?
May tamang pagbibigay galang ba sa kanila kung sakaling mawawala na sila?
Kapag tayo ay may kakilala o mahal sa buhay na na-diagnose ng matinding sakit, iniisip natin madalas na ito ay end of life na. Para bang naghihintay na lamang ng oras ng kamatayan. Ngunit, mayroon pa tayong tsansa na iparamdam sa kanila ang good quality of life!
May isang organisasyong nagbibigay ng holistikong aruga at suporta para sa mga indibidwal na may malubhang karamdaman. Kilalanin ang kahanga-hangang gawa ng 'National Hospice and Palliative Care Council of the Philippines' sa panguguna Maria Fatima Garcia-Lorenzo.