Listen

Description

M&M - Situation Wednesday with DJ Mac and Cathy G. | October 19, 2022

Ano ang gagawin mo kung nakita mo ang mga nakita ni Fidel? 

Ako po si Fidel 62 years old at isang tricycle driver..lumalabas ako Cathy tuwing alasdose ng hating gabi dahil meron po ako service sa palengke..minsan bago po ako makapunta sa palengke eh may pumara po sakin kung titingnan Cathy eh parang normal lang kasi tatlo silang nasakyan ko pero mali ako Cathy dahil pagbaba ng pasahero ko eh binayaran lang niya ako ng 20 pesos kung tutuosin po eh tatlo sila..nagtaka ako Cathy at sinabi kong bakit 20 pesos po itong binayad niyo eh tatlo po kayong sumakay sa akin..sagot ng ale...manong mag-isa lang po akong sumakay sa inyo...sagot ko po ulit Cathy anong isa eh tatlo po kayo dalawa sa loob at ang isa sa likod ko..bumaling po ako sa likod at laking gulat ko ng wala ang dalawa kong sakay..kinikabutan ako Cathy at dali-dali po ako pumarorot sa kinaroroonan ko...nang malampasan ko ang lugar kung saan ko hinatid yong babae eh napansin ko po na parang may humahabol sa akin..pagtingin ko Cathy eh isang kabaong na nakalutang sa hangin..pinagpawisan po ako ng malamig at dahil sa pag-iwas ko sa kabaong eh isang kandilang nakasindi ang nasa kalagitnaan ng kalsada halos ang kandila eh hindi mamatay-matay sa lakas ng hangin pumarorot uli ako Cathy pero ang kandilang yon eh tila ba sinusundan ako..at sa hindi inaasahan pangyayari Cathy naliligaw ako sa aking dinadaanan dahil para ba ako pabalik-balik nlng bukod doon eh sobrang madilim at madaming mga puno..nang sandaling yon nagdasal ako ng taim-tim na sanay malampasan ko ito at makita ko ang daan at ilang sandali pa Cathy may nakita ako liwanag sinundan ko po un at sa wakas nakita ko ang daan sobrang takot ko non Cathy kasi para ba ako mababaliw at salamat sa panginoon at hindi niya ako pinabayaan."