Listen

Description

M&M - Situation Wednesday with DJ Mac and Cathy G. | January 4, 2023

Ano ang gagawin mo kung ikaw si Ren? 

"Tawagin niyo na lang po akong Ren. Hiwalay sa asawa at may dalawang anak na nasa kanya, 7 at 3 years old. Napasulat ako dahil hindi naging masaya ang pasko ko. Hindi kasi tumupad sa usapan namin ang asawa ko na ipapahiram sa akin ang mga bata nung araw mismo ng pasko. Aaminin ko na ako ang may kasalanan kaya niya ako hiniwalayan.

Ito ay dahil sa pagiging iresponsable ko. Mula nang magpandemya ay hindi na ako nagtrabaho at umasa na lang sa tulong ng mga kaibigan at ipon namin na naubos na. Palagi naming napagaawayan ang kawalan ko ng trabaho pero sadyang walang tumanggap sa dalawa kong inaplayan. Siya lang ang patuloy na nagtrabaho dahil isa siyang nurse. Isa pa ay nahuli niya kami ng mga barkada ko na lumabas na may kasamang mga babae.

Inamin ko naman sa kanya na katuwaan lang yun at walang nangyareng kamunduhan. Pinangako ko sa kanya na magbabago ako mula nang maghiwalay kami noong July. Pero wala parin talagang swerte sa trabaho kaya hanggang ngayon ay nangungupahan ako sa tropa.

Nakakausap ko naman paminsan ang mga anak ko sa video call, pero ni minsan ay hindi ko pa sila nakikita sa personal. Ang sabi sa akin ng asawa ko matapos ang pasko ay makikita ko lang raw ang mga anak ko kapag may trabaho na ako. Pero bakit kailangan na pahirapan niya ako ng todo? Ganun na ba kalaki ang kasalanan ko para ipagkait niya sa akin ang mga anak ko? Hindi naman ako masamang ama. Sana matulungan niyo ako para naman sa bagong taon ay makasama ko na uli sila." 

#OneFM #Catmac #OneLangYan #SituationWednesday