Listen

Description

M&M - Situation Wednesday with DJ Mac and Cathy G. | September 21, 2022

Ano ang gagawin mo kung ikaw si Ron?

"Laging turo sa atin na wag tayo maging mapanghusga. Pero papaano kung dahil doon ay huli na ng malaman ko ang katotohanan sa taong mahal ko dahil hindi ako naniwala sa mga kaibigan ko noong una pa lang na makilala ko si Miami? Last year nang magkakilala kami sa isang bar at agad nagkaigihan.  Easy to get at baka GRO ang sabi ng tropa pero di ko pinaniwalaan dahil mabait siya at mahinhin at may maramgal na trabaho. Pero may mga araw na hindi ko siya nakakasama o naihahatid pauwi paglabas ng trabaho dahil kailangan raw niya puntahan ang kanyang Lola para bantayan. Di raw kasi pwedeng may kasama dahil sa karamdaman. Nito ko na lang nalaman at napatotohanan na escort girl pala ang sideline niya dahil sa boss ko na nagpakita ng picture ng isang client na may kasamang magandang escort, at si Miami nga Ito na walang nakakakilala sa opisina. Para akong binuhusan ng malamig na tubing sa nakita ko dahil di ako nakapagsalita. Mula nun ay ko pa siya kinokompronta dahil hindi ko alam kung papano. Di ko alam kung sa kanya ako magagalit o sa sarili ko na hindi nakinig. Mas pinakinggan ko at pinakikinggan ko parin ang puso ko dahil pinararamdam naman sa akin ni Miami ang pagmamahal niya tuwing kami ay magkasama. Ano po ang dapat kong gawin? - Ron"