Listen

Description

M&M - Situation Wednesday with DJ Mac and Cathy G. | October 06, 2022

Ano ang gagawin mo kung ikaw si Toi? 

"Tawagin niyo na lang po akong Toi. Totoo po ba ang kulam? Kaya ka ba nitong paibigin ang isang tao? Nagising kasi ako isang araw na gulat na gulat dahil hindi ko kilala ang kinakasama ko. Parang bigla akong nagka amnesia sa kanya. Sinubukan kong alalahanin habang naglalambing at kinakausap niya ako pero at naaalala ko lang ay noong una ko siyang nakilala. Isang linggo na ay hindi ko parin talaga siya makilala maliban sa pangalan niya. Nakikisakay na lang muna ako sa kanya para hindi siya makahalata pero natatakot ako na baka nakulam niya ako. Lahat naman kasi naaalala ko maliban sa kanya at sa pinagsamahan raw namin na mag lilimang buwan na. Minsan na rin kasi nabanggit sa akin noon ng isang kaibigan ang tungkol sa mga kulam. Totoo ba yun Catmac? Baka may nakikinig na makatulong na malinawan ako. Salamat po."